Saturday, August 8, 2009

Dahil Pinoy Ang Pinay Na Ito

Sa aking pangungulila para sa mga bagay na Pilipino, napag isipan ko na gawin yung recomendasyon ng kaibigan ko na tingnan ang blogs ng ibang Pinoy Celebrities, specifically yung kay KC Concepcion. Dahil nasa Paris din kami ng friend ko, naisip ko na baka may mga mapulot din ako sa blog nya, at wala namang mawawala diba, so ayun hinanap ko ang blog nya sa google.

Nung una, di ko talaga nagustuhan ang blog nya. Pero nang tingnan ko ulit to kanikanina lang din ay nagulat ako na totoo palang nakakatuwa basahin ang kanyan mga sinulat. At dahil narin natuwa ako sa mga sinulat nya, napag isip-isip ko na magsulat din dito sa blog ko gamit ang sarili nating wika.

Bakit nga ba hindi diba? Ipinangalanan ko na lifeasapinay ang blog na ito, so dapat lang siguro na tuluran ko si KC Concepcion at magsulat din sa Pilipino. Well, magkaiba kami ng target audience, pero marami rin akong magandang napulot sakanya. So, ito ang naging resulta ng pagiging inspired na yun from her blog.

Maliban sa blog ni KC, sinabihan din ako ng friend ko na may blog si Bianca Gonzales. Minsan ko nang nakilala si Bianca, so minabuti kong tingnan ang kanyan blog---and I was not disappointed. Minsan ko ng naisip at nasabi na parang nagbago na si Bianca dahil iba na ang mundong ginagalawan nya, pero nang mabasa ko ang blog nya ay naging pamilyar sakin ang dating Bianca na minsang nakilala ko. Maaring di ko na sya kilala ngayon, pero yung mga magandang katangian na nakita ko sakanya noon ay nakita ko rin ng ako'y magbasa ng blog nya.

Hindi ko alam kung ito ang huling pagkakataon na ako ay magsusulat sa blog kong ito sa wikang Pilipino, pero maganda din naman na nagkaroon ng kakaibang content dito at nai-share ko pa sainyo ang celebrity blogs ni KC at Bianca. After all, Pinoy tayo at ang pinay na ito ay nasisiyahan din sa pagiging updated sa showbiz chicka.

Sa puntong ito ngalang, hindi chicka ang aking naging pakay. Sabihin na nating, naging curious ako and natuwa naman ako dahil na realize ko na ang mga may celebrity status sa ating bansa, ay parang karaniwang tao lang din, at kung gusto nyo malaman kung ano ang ibig ko sabihin...e di basahin nyo rin ang blogs nila.

Bisitahin...
KC Concepcion's blog http://kooki.multiply.com/
Bianca Gonzales' blog http://superbianca.blogspot.com/